|
||||||||
|
||
Kaugnay ng mga naganap na insidente ng pagsalakay ng mga sundalo at pulisyang lokal ng Afghanistan sa mga sundalo ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), nagpahayag kahapon ng lubos na pagkabahala si Pangkalahatang Kalihim Anders Rasmusen ng NATO. Ngunit ipinalalagay niyang ang insidenteng ito ay hindi makakaapekto sa gawain ng paglilipat ng suliraning pandepensa ng NATO sa Afghanistan.
Sinabi pa ni Rasmusen na ang naturang insidente ay nakakapinsala sa pagtitiwalaan sa pagitan ng tropa ng NATO at tropang paneguridad ng Afghanistan. Kung kailangan, isasagawa ng NATO ang mas maraming hakbangin para mapigilan ang pagkaganap ng katulad na insidente, dagdag niya.
Ayon sa estadistika, sapul nang pumasok ang taong ito, halos 45 sundalo ng NATO ang namatay sa ganitong mga insidente. Sa kasalukuyan, ihininto na ng tropang Amerikano sa Afghanistan ang pagsasanay sa mga bagong sundalong Afghani.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |