|
||||||||
|
||
Sa Nay Pyi Daw, Myanmar---Nag-usap dito kahapon sina Min Aung Hlaingm, Komander ng Sandatahang Lakas ng Myanmar at dumadalaw na Deputy Chief of General Staff Ma Xiaotian ng People's Liberation Army(PLA) ng Tsina.
Sa pag-uusap, sinabi ni Min Aung Hlaing na ang relasyon ng Tsina at Myanmar ay nasa pinakamagandang yugto sa kasaysayan, at may malaking potensyal ang kooperasyong militar ng dalawang bansa.Umaasa aniya siyang mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, para ibayo pang pasulungin ang kanilang estratehikong partnership.
Sinabi naman ni Ma na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang estratehikong partnership ng Tsina at Myanmar sa iba't ibang larangan, at ito ay nagpatibay sa direksyon ng pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, handa na ang Tsina na pasulungin ang pakikipagtulungang militar sa Myanmar.
Nang araw ring iyon, nakipag-usap din si Ma kay Soe Win, Komander ng hukbong panlupa ng Myanmar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |