Dumalo ngayong araw si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa CEO Summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC. Sa kanyang talumpati sa summit, nanawagan si Hu sa sirkulong pulitikal, industriyal at komersiyal ng iba't ibang kasapi ng APEC na palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura, para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng rehiyong Asya-Pasipiko. Muling binigyang-diin din niyang winiwelkam ng Tsina ang pakikisangkot ng sirkulong industriyal at komersiyal ng Asya-Pasipiko sa proseso ng reporma, pagbubukas sa labas, at modernisasyon ng Tsina, para bahaginan ang pagkakataon at bunga ng kaunlaran ng Tsina.
Iniharap pa ng Pangulong Tsino ang apat na mungkahi hinggil sa pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan at pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura sa kalagayan ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig: una, palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura; ika-2, pataasin ang digri ng pag-uugnayan at pasilitasyon ng supply chain; ika-3, palalimin ang reporma sa sistema ng pamumuhunan, at magkasamang bahaginan ang pagkakataon ng kaunlaran ng konstruksyon ng imprastruktura; at ika-4, palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan, at magkakasamang pasulungin ang konstruksyon ng transportasyon ng Asya-Pasipiko.
Salin:Vera