Mula ika-17 hanggang ika-20 ng buwang ito, sa Guiyang, isang lunsod ng lalawigang Guizhou ng Tsina, idaraos ang ika-5 Linggo ng pagpapalitan sa edukasyon ng ASEAN. Kumpara sa nakaraang mga Linggo ng Edukasyon, sa taong ito, gaganapin ang ilang bagong temang tulad ng edukasyong medikal, pagsasanay sa mga talento sa pandaigdigang komersyo para sa Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA, pagsasanay sa mga talentong panturismo, bokasyonal na edukasyon at iba pa.
Lalahok sa naturang akdibidad ang mga opisyal, dalubhasa sa edukasyon at iskolar mula sa Tsina at ASEAN. Ibabahagi nila ang kanilang karanasan at magpapalitan tungkol sa mga bunga ng kanilang mga gawaing.
Nang idaos ang naunang 3 Linggo ng Pagpapalitan, 31 unibersidad ng ASEAN at 47 unibersidad ng Tsina ang lumagda sa 135 kasunduang pangkooperasyon.
Salin:Sarah