Sa Tianjin, Tsina---Binuksan dito kahapon ng hapon ang 2012 Summer Davos.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, binigyang-diin ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na kasalukuyang kinakaharap ng bansa ang estratehikong pagkakataong pangkaunlaran. Aniya, ang ibayo pang pagpapalalim ng industriyalisasyon, urbanisasyon, pagsasa-impormasyon, at modernisasyon ng agrikultura ay magdudulot ng malaking lakas sa pagpapasulong ng kabuhayan. Tiyak rin aniyang ipagpapatuloy ng Tsina ang matatag at mabilis na kaunlarang pangkabuhayan.
Nanawagan din si Wen, na dapat pahigpitin pa ng komunidad ng daigdig ang koordinasyon sa takbo ng pagbabalangkas ng patakaran ng makro-ekonomiya, pasulungin ang reporma sa sistema ng pangangasiwa, at pigilin ang trade protectionism, para sa muling kasiglaan ng kabuhayang pandaigdig.