Ipinatalastas ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalao si Xi Jinping, Pangalawang Pangulo ng Tsina, sa Ika-9 na China ASEAN Expo (CAEXPO) na idaraos sa Nanning ng Guangxi mula ika-21 hanggang ika-25 ng Setyembre.
Sinabi pa ni Hong na liban kay Xi, dadalo din sa CAEXPO ang mga lider ng bansang ASEAN na kinabibilangan nina Thein Sein, Pangulo ng Myanmar, Thongsing Thammavong, Punong Ministro ng Laos, Nguyen Tan Dung, Punong Ministro ng Biyetnam, Muhyiddin Yassin, Pangalawang Punong Ministor ng Malaysiya at Kittiratt Na-Ranong, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand.