Nitong ilang araw na nakalipas, iba't-ibang uri ng aktibidad ang tuluy-tuloy na ginagawa ng mga Overseas Chinese sa iba't ibang lugar ng daigdig, bilang pagbatikos sa pagkamkam ng Hapon sa Diaoyu Islands.
Sa mga lunsod ng Estados Unidos(E.U.) na gaya ng San Francisco, Chicago, at Houston, sampung libo katao ang nagtipun-tipon kamakalawa, bilang pagtutol sa ilegal na pagpasok ng Hapon sa Diaoyu Islands. Hinimok din nila ang pamahalaang Amerikano na huwag magsagawa ng pagkiling sa isyu ng Diaoyu Islands.
Samantala, katulad ding aktibidad ang ginanap sa Tanzania, at Angola.