|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Nanning, Guangxi, Tsina ang China-ASEAN Think-Tank Strategic Dialogue sa taong 2012. Ito ay isa sa mga serye ng porum ng ika-9 na China ASEAN Expo o CAExpo.
Tinukoy ni Li Kang, Pangalawang Tagapangulo ng Guangxi Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na mabilis na umuunlad ang kooperasyon ng Guangxi at ASEAN. Iminungkahi niyang ibayo pang palakasin ang kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng pagpapataas ng kakayahan ng inobasyon, pagpapalakas ng koordinasyon ng mga industriya, pagpapabilis ng konstruksyon ng sistema ng traffic network, at pagpapalalim ng pagtatatag ng organong pangkooperasyon.
Sinabi ni Sum Chum Bun, kinatawan ng China-ASEAN Think-Tank, na nitong nakalipas na 20 taon, lumaki ng 46 na ulit ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Kambodya. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapaunlad ng dalawang panig ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan, at magkakaloob ang mga kalahok na kinatawan ng ideya o plano sa pagtutulungang Sino-Kambodyano at Sino-ASEAN.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |