Ipinahayag kamakailan ng opisyal ng Kagawarang Pandepensa ng Estados Unidos(E.U.) na hahawakan nito ang isyu ng Diaoyu Islands, batay sa Kasunduang Panseguridad ng Amerika at Hapon. Sinabi naman kahapon ni Leon Panetta, Kalihim ng Kagawarang Pandepensa ng E.U. na umaasa itong magiging tagapamagitan ang kanyang bansa sa naturang isyu.
Kagunay nito, ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi dapat magsagawa ang ng pagkiling Amerika sa isyu ng Diaoyu Islands. Sinabi ni Hong na maliwanag ang paninindigan ng Tsina sa Kasunduang Panseguridad ng E.U. at Hapon, na bunga ng Cold War; at hindi ito dapat makapinsala sa interes ng ikatlong panig.