Kasabay ng konstruksyon at pag-unlad ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA, ang kooperasyong pinansyal ng Tsina at ASEAN ay umunlad sa magkakaibang direksyon, mula sa unitary business. Ipinalalagay ng mga may kinalamang tauhan na ang patuloy na pagpapalalim ng kooperasyong pinansyal ng Tsina at ASEAN ay magdudulot ng mas maraming ginhawa, at posibleng ito ay maging tagapagsulong ng pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Hanggang noong 2011, naitatag na ng 10 bansang ASEAN ang mahigit 30 bangko sa Tsina, itinatag naman ng Tsina ang mahigit 10 sangay na tanggapan ng mga organong pinansyal sa mga bansang ASEAN. Nilagdaan din ng Tsina, kasama ang Indonesya, Laos, Singapore, Biyetnam, at Thailand ang memorandum sa kooperasyong pampamahala.
Salin: Andrea