"Pagkaraang ipatalastas ng Hapon ang umano'y 'pagbili ng Diaoyu Islands,' agarang nagsagawa ang pamahalaang Tsino ng solemnang protesta at mga katugong hakbangin. Isinumite namin sa mga may kinalamang organisyong pandaigdig ang mga dokumento hinggil sa baseline ng teritoryong pandagat ng bansa, at hanggahan ng continental shelf sa karagatan ng Donghai. Ipinadala rin namin ang marine law enforcement fleet sa karagatan malapit sa Diaoyu Islands." Ito ang ipinahayag ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas kahapon sa Beijing.
Sinabi pa ni Hong na naiwasan ng naturang mga hakbangin ang epektong posibleng maganap sa larangang pambatas, dulot ng kagagawan ng Hapon.
Aniya, kinondena rin ng mga mamamayang Tsino ang ginagawa ng Hapon, na paghadlang sa tagumpay ng pandaigdigang digmaan laban sa Pasismo at kaayusang pandaigdig.