Ayon sa Xin Hua News Agency ng Tsina, magpapadala ang Laos at Thailand ng mga tao, bilang saksi sa gagawing paglilitis hinggil sa Insidente ng "10.5" na gaganapin sa Kunming ng lalawigang Yunnan, Tsina.
Ipinahayag ng Departamento ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, na kahit naganap ang naturang insidente sa labas ng bansa, at ang mga may kagagawan ay mga dayuhan, ang mga biktima naman ay mga mamamayang Tsino. Kaya, walang duda ang karapatan ng Tsina sa paglilitis sa kaso.
Anito, nagpasalamat ang Tsina sa tulong na ibinigay ng Laos, Myanmar, at Thailand sa takbo ng pag-iimbestiga sa naturang kaso.