Bukas, diringgin sa intermediate people's court ng lunsod Kunming, Tsina ang kaso ng "10.5 massacre" sa Mekong River. Lilitisin sa hukuman ang 6 na suspek, na kinabibilangan ni NawKham. Nang kapanayamin ng China Radio International (CRI) si Li Zhuqun, Pangalawang Tagapagsuri ng Kawanihan ng Kooperasyong Pandaigdig ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, sinabi niyang sapul nang isagawa ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand ang magkakasanib na pagpapatupad ng batas, noong katapusan ng nagdaang taon, mabisang napangangalagaan ang kaayusan at kaligtasan ng paglalayag sa Mekong River.
Liban sa magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas, isinasagawa rin ng panig pulisya ng 4 na bansa ang mga gawain na kinabibilangan ng pagpapalitan ng impormasyon, magkakasanib na pagsasaayos sa mga namumukod na problemang panseguridad, magkakasanib na pagbibigay-dagok sa krimeng transnasyonal, magkakasanib na pagharap sa mga biglaang insidente, at iba pa.
Salin: Li Feng