|
||||||||
|
||
Ayon sa Sekretaryat ng China-ASEAN Expo (CAExpo), idaraos sa Nanning, Guangxi ng Tsina, ang Ika-9 na CAExpo mula ika-21 hanggang ika-25 ng buwang ito.
Ang layunin ng naturang ekspo ay "pagpapasulong ng konstruksyon ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), at magkakasamang pagtatamasa ng pagkakataon ng kooperasyon at pag-unlad". Saklaw din nito ang 3 malaking nilalaman ng kalakalan ng paninda, kooperasyong pampamumuhunan, at kalakalang panserbisyo. Ito ang mahalagang plataporma ng pagpapalawak ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.
Ngayong taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakalagda sa "Balangkas ng Komprehensibong Kasunduan sa Kooperasyong Pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN," ito rin ang ika-2 anibersaryo ng opisyal na pagtatapos ng konstruksyon ng CAFTA, at Taon ng Kooperasyong Pansiyensiya't Panteknolohiya ng Tsina at ASEAN. Patuloy na pasusulungin ng ika-9 na CAExpo ang komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |