Ayon sa Xin Hua News Agency ng Tsina, bilang isang pangunahing plataporma ng Tsina at ASEAN sa pagpapalawak ng kooperasyong pangkalakalan, ang Ikasiyam na China-ASEAN Expo(CAEXPO) ay idaraos sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina, mula ika-21 hanggang ika-25 ng buwang ito.
Dadalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng Tsina at mga bansang ASEAN, na kinabibilangan nina Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong U Thein Sein ng Myanmar, Punong Ministrong Thongsing Thammavong ng Laos, Punong Ministrong Nguyen Tan Dung ng Vietnam, Pangalawang Punong Ministrong Muhyiddin Yassin ng Malaysia, at Pangalawang Punong Ministrong Kittiratt Na-Ranong ng Thailand.
Ang "kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya" ay ang tema ng kasalukuyang CAEXPO.