|
||||||||
|
||
Sa isang news briefing sa Nanning, Guangxi ng Tsina ibinahagi ni Penchan Manawanitkul, Senior Officer ng Competition, Consumer Protection at IPR Division ng ASEAN Secretariat, ang mga naging bunga ng China-ASEAN Expo sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan.
Para sa mga bansa mula sa Timog Silangang Asya nanatili ang Tsina bilang pinakamalaking trading partner. Kumpara noong 2009 lumaki ng 20.9% ang bolyum ng kalakal para sa taong 2011. Noong isang taon ang mga produktong iniluwas ng 10 bansa na bahagi ng ASEAN sa Tsina ay umabot sa $24.7 Bilyon, tumaas ng 29% mula ng itatag ang China ASEAN Free Trade Area o CAFTA, dalawang taon na ang nakalilipas.
Dagdag pa ni Manawanitkul, ang Tsina ang ikalawang export destination o pinagluluwasan ng mga kalakal ng ASEAN at ang kita nito ay umaabot sa $134 Bilyon.
Pinatutunayan nito na ang CAEXPO ay isang mainam na plataporma para sa pagpapasigla ng ugnayang ekonomiko sa pagitan ng dalawang panig. Umabot ang Foreign Domestic Investment para sa taong 2011 sa $5.9 Bilyon.
May dalawang dekada na mula ng naitatag ang ugnayang bilateral sa pagitan ng Tsina at ASEAN. At sa loob ng panahong ito marami ng mga kasunduan ang nabuo sa larangan ng agrikultura, impormasyon, pamumuhunan, enerhiya, transportasyon, kalikasan, turismo at iba pa.
At sa pagbubukas ng ika-9 na CAEXPO bukas inaasahang higit na pasusulungin ang CAFTA at gagamitin ng lubos ang pagkakataon ng kooperasyon para maipagpatuloy ang natamong mga pag-unlad ng Tsina at ASEAN
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |