|
||||||||
|
||
Sa isang panayam ngayong araw sa Nanning, ipinahayag ni Pen Chan, kinatawan ng Sekretaryat ng ASEAN, na ang China-ASEAN Expo (CAExpo) ay nagsisilbing mahalagang plataporma ng pag-akit ng mga bansang ASEAN sa puhunang dayuhan, at pagsasagawa ng pakikipagkooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa ibang bansa.
Ayon kay Pen, ang CAExpo ay magkakasamang itinataguyod ng Tsina at 10 bansang ASEAN, at binibigyan ito ng malaking pansin ng iba't ibang bansa.
Bubuksan bukas sa Nanning ang Ika-9 na CAExpo. Gaganapin din nang sabay ang Summit ng Komersyo at Pamumuhunan ng Tsina at ASEAN, at Porum ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |