Sa news briefing na ginanap kaninang umaga sa Nanning, Guanxi ng Tsina, ipinahayag ni Chen Guokai, Ikalawang Direktor Heneral ng General Office ng Ministring Komersyo ng Tsina na ipinagdiriwang ngayong taon ang Ika-10 Anibersaryo ng paglagda sa Balangkas ng Kasunduan sa Komprehensibong Kooperasyong Pang-Ekonomiko sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Ito rin ang taon para sa Kooperasyong Pang-Siyensya at Teknolohiya sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Ayon kay Chen, higit 90 buying missions ang dadalaw sa CAEXPO ngayong taon at ang bilang na ito ay mas marami kung ihahambing sa mga nagdaang taon. Bukod sa pagtanggap ng mga mangangalakal mula sa 10 bansang ASEAN, inaasahan ang pagdating ng mga mamimili mula sa Estados Unidos, Pransiya, Denmark, Australiya, Rusya at India.
Samantala, dagdag ni Chen, lumalaki ang bilang ng mga brand enterprises at dumadami ang mga returning exhibitors ngayong taon. Lumaki ng 88% ang porsiyento ng mga mangangalakal at mga nagbabalik na eksibitor. At ang paglaki ng bilang na ito ay patunay lang sa lumalakas na impluwensiya at pagkilala sa kahalagahan ng CAEXPO.