|
||||||||
|
||
Dumalo at nagtalumpati kaninang umaga si Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng ika-9 na China ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) at 2012 China ASEAN Free Trade Area (CAFTA) Forum na idinaos sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina.
Nagpahayag si Xi ng pag-asang patuloy na maipapatupad at mapapabuti ng Tsina at ASEAN ang iba't ibang kasunduan ng CAFTA, para makaabot sa 500 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig sa taong 2015.
Iminungkahi rin ni Xi na ibayo pang palalimin ng Tsina at ASEAN ang kooperasyon sa bilateral na pamumuhunan, pasulungin ang connectivity, at padalasin ang pagpapalitan ng mga tao.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |