|
||||||||
|
||
Dinalaw nila Kalihim Mar Roxas ng Department of Interior and Local Government at Kalihim Edwin Lacierda, Tagapagsalita ng Pangulo ang pabilyon ng Pilipinas sa Ika-9 na China-ASEAN Expo ditto sa Nanning, Guangxi.
Positibo at maganda ang reaksyon ni Kalihim Lacierda sa mga sinabi ni Ikalawang Pangulo Xi Jinping ng Tsina sa katatapos ng China ASEAN Business Investment Summit, kung saan tumayong kinatawan ng Pilipinas si Kalihim Roxas. Kamakailan, itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino si Kalihim Roxas bilang Special Envoy sa Tsina.
Nang tanungin hinggil sa epekto ng hidwaang pulitikal ng Tsina at Pilipinas sa mga usaping pang-ekonomiko, sinabi ni Kalihim Lacierda na "maraming levels ang exchanges ng Pilipinas at Tsinaso hindi sagabal ang kung anu mang kaunting gusot sa relasyong Pilipino-Tsino ukol sa Scarborough. Pero naniniwala kami, kaya andito si Sec. Mar Roxas , ipinadalang Special Envoy ni Pangulong Aquino para makipag-usap kay Vice President Xi Jinping. Pag-uusapan ang current issues na namamagitan sa dalawang bansa."
Dagdag pa ni Kalihim Lacierda, kumpirmado ang pagtatagpo at gaganapin ito sa Nanning.
Hinggil sa paggamit ng back channels para lutasin ang isyu sa teritoryo, naninindigan pa rin ang Presidential Spokesman na may basbas ng Pangulo Aquino si Sen. Antonio Trillanes IV at may naimbag ito sa pagpapahupa ng tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Sa usapin naman ng mga produktong agrikultura na iniluluwas papasok ng Tsina, sinabi ng Kalihim na tinutulungan ng pamahalaan ang mga maliliit na exporter para makapasa sa pandaig-digang istandard.
Reporter: Mac at Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |