"Dapat alisin ng Hapon ang epektong dulot ng mga ginawaga nito sa isyu ng Diaoyu Islands, at dapat din itong bumalik sa landas ng paglutas sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, kaugnay ng pahayag ng Punong Ministrong Hapones hinggil sa pagpapadala ng sugo sa Tsina. Iminungkahi rin ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, na dapat magkaroon ng pag-uusap ang Tsina at Hapon hinggil sa nasabing isyu sa susunod na linggo, habang idinaraos ang pulong ng Pangkalahatang Asembleya ng UN.
Sinabi ni Hong na dapat isabalikat ang lahat ng reponsibilidad sa paglikha ng kasalukuyang malubhang kalagayan sa relasyong Sino-Hapones.