|
||||||||
|
||
Pormal na binuksan sa Nanning, Guangxi ng Tsina ang Ika-9 na China ASEAN Expo. Pinangunahan ni Pangalawang Pangulo Xi Jinping ang seremonya ng pagbubukas. Sa panig ng Pilipinas, dumalo si Kalihim Mar Roxas.
Ngayong taon, may 4,600 mga pwesto ang mag-aalok ng iba't-ibang kalakal at serbisyo mula sa China at mga bansang ASEAN.
Ang pabilyon ng Pilipinas ay may 19 na booths, sampu dito ay mga eksibitor ng mga produktong agrikultural. May siyam namang booth mula sa iba't-ibang industriya. Kabilang sa mga itatanghal na produkto ay ang Kalinga Brew, kilalang kape mula sa lalawigan ng Kalinga, Chicharika isang uri ng kropek na ipinagmamalaki ng mga lalawigan sa Region 2 at mga piling produktong pagkain na naglalayong makilala sa Tsina at mga kapitbansa sa Timog Silangang Asya.
Meron ding mga handicrafts, sapatos at mga alahas na gamit ay katutubong mga materyales at angat dahil sa malikhaing disenyo.
Sa pabilyon ng Cities of Charm, ibinibida ngayong taon ang San Fernando at Clark. Ang mga lungsod na ito'y ipinakikilala bilang mga pangunahing lugar para sa pamumuhunan, komersiyo at kalakalan.
Ang Freeport Area naman ng Bataan ay tampok sa Investment Pavillion ng ASEAN. Hangad ng lalawigan ng Bataan na himukin ang mga mamumuhunan para magbukas ng negosyo sa lugar na ito.
Reporter: Mac at Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |