|
||||||||
|
||
Una: Ang mga mataas na lider mula sa Tsina at mga bansang ASEAN ay magkakasunod lumahok sa iba't ibang aktibidad ng CAExpo sa taong ito, at ito ay lalo pang nagpasulong sa pangkaibigang pangkooeprasyon ng Tsina at ASEAN.
Ikalawa: Umiinog sa temang "koopeasyong pansiyesiya", sa CAExpong ito, itataguyod ng Ministring Pansiyensiya ng Tsina ang eksbisyon hinggil sa maunlad na teknolohiya, at idaraos ang Pulong ng mga Ministrong Pansiyensiya ng Tsina at ASEAN, para mapasulong ang konstruksyon ng kooperasyong pansiyensiya sa antas ng patakaran at sistema. Bukod dito, idaraos rin ang mga porum at akdibidad ng pagpapalitan sa 13 larangang tulad ng kultura, pinansiya at iba pa.
Ikatlo: Sa kauna-unahang pagkakataon, idaraos ang Pulong ng pag-aakit ng pamumuhunan sa Sonang Industriyal ng ASEAN. Ito ang kauna-unahang pag-aakit ng pamumuhunan ng Sonang Industriyal ng ASEAN sa Tsina at ito ay nakapagkaloob ng bagong plataporma para sa pamuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ASEAN.
Ika-apat: Masiglang lumahok sa eksbisyon ang mga bahay-kalakal mula sa iba't ibang bansa at mataas ang kalidad ng mga kalahok na bahay-kalakal. Sa CAExpo ng taong ito, ang booth na inaplayan ng mga bahay-kalakal sa loob at labas ng bansa ay umabot sa 5710. Sa aktuwal na kalagayan, ang 2280 bahay-kalakal ay lumahok sa eksbisyon at ang kabuuang bilang ng booth ay umabot sa 4600.
Ikalima: Ang Myanmar ang Country of Honor ng CAExpo sa taong ito. Idaraos nito ang maraming aktibidad na tulad ng Talakayan ng mga lider ng Myanmar at mga mangangalakal na Tsino, Promosyon ng bansang Myanmar at iba pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |