|
||||||||
|
||
Sa Nanning, Guangxi ng Tsina — Magkakahiwalay na kinatagpo kahapon ni Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Pangulong Thein Sein ng Myanmar, Pangalawang Punong Ministro Tan Sri Dato' Haji Muhyiddin ng Malaysia, at Mar Roxas, Kalihim ng Suliraning Panloob at Espesyal na Sugo ng Pangulong Pilipino.
Sa pakikipagtagpo kay Thein Sein, sinabi ni Xi na sa kasalukuyan, mainam sa kabuuan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Myanmar. Patuloy aniyang hihikayatin ng panig Tsino ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Myanmar sa iba't ibang larangan.
Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Muhyiddin, sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang mahalagang papel ng Malaysia, at nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng Malaysia at iba pang bansang ASEAN, para ibayo pang mapasulong ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Kay Roxas naman, sinabi ni Xi na nitong 37 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, nananatiling pag-unlad ang tunguhin ng relasyon ng dalawang bansa, at natamo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan ang positibong bunga. Ang mga ito aniya ay nakakapagbigay ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nitong ilang panahong nakalipas, naharap ang relasyong Sino-Pilipino sa ilang kahirapan. Pagkaraan ng mabisang pagsasanggunian ng dalawang panig, napahupa na ngayon ang kalagayang ito
Lubos na pinapurihan naman ni Roxas ang ginagawang papel ng China-ASEAN Expo (CAExpo) sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Sinabi niya na matapat na umaasa ang panig Pilipino na mapapaunlad ang mapagkaibigan, mahigpit, at karaniwang relasyon sa panig Tsino.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |