|
||||||||
|
||
Sa isang round-table meeting kahapon, sinabi ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar, na hanggang noong nagdaang Agosto, umabot na sa 14.14 bilyong dolyares ang kabuuang pamumuhunan ng Tsina sa Myanmar, na naging unang puwesto ng pamumuhunang dayuhan sa bansang ito.
Tinukoy niya na nitong mga taong nakalipas, walang humpay na tumitibay ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar. Sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan, ang Tsina ay nagsisilbing isa sa mga pinakamalaking trade partner ng Myanmar, at napakasiglang umuunlad ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon naman kay Yu Ping, Pangalawang Puno ng Samahan ng Pagpapasulong ng Kalakalan ng Tsina, sapul nang maitatag ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), magkasamang nagsisikap na ang Tsina at Myanmar, at magkasama rin silang nakakaranas ng pagsubok ng krisis na pinansiyal. Isinasagawa rin aniya ng dalawang bansa ang kooperasyon sa maraming larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, at natamo ang kapansin-pansing bunga.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |