|
||||||||
|
||
Maringal na idinaos kahapon sa Nanning ang Porum ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Dumalo sa porum ang Ministro ng Komersyo ng Cambodia, at bumigkas siya ng talumpating pinamagatang "Samantalahin ang pagkakataon at harapin ang hamon, malalimang pasulungin ang integrasyong pangkabuhayan."
Lubos niyang pinapurihan ang natamong napakalaking tagumpay ng CAFTA. Sinabi niya na kasunod ng pag-unlad ng CAFTA, walang humpay na bumubuti ang mekanismong pangkooperasyon ng dalawang panig, at walang humpay na tumataas ang liberalisasyon at pagsasaginhawa ng kalakalan.
Nagpahayag din siya ng pagtanggap sa pagsapi ng Hongkong sa CAFTA. Sinabi niya na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng iba't ibang bansang ASEAN at Hongkong, at ang pagsapi ng Hongkong sa CAFTA ay makakatulong sa pag-unlad ng rehiyonal na kabuhayan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |