|
||||||||
|
||
Sa Porum ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) na idinaos sa panahon ng Ika-9 na China-ASEAN Expo (CAExpo) sa Nanning, sinabi kahapon ni Qiu Hong, Asistenteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na magkasamang magsisikap ang Tsina at ASEAN para mapasimulan ang pagsasanggunian tungkol sa pagsapi ng Hongkong sa CAFTA sa lalong madaling panahon.
Napag-alamang, noong isang taon, opisyal na nagharap ang China Hongkong ng aplikasyon sa pagsapi sa CAFTA.
Sinabi ni Qiu na nananalig ang panig Tsino na ang pagsapi ng Hongkong ay makakatulong sa pagpapataas ng pangkalahatang kakayahang kompetitibo ng CAFTA, at ito aniya ay angkop sa komong kapakanan ng iba't ibang panig ng CAFTA.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |