|
||||||||
|
||
Nanning, Guangxi – Inilahad ni Dennis Miralles, Direktor ng Department of Trade and Industry ng Pilipinas ang ilan sa mga indicators o batayan para sukatin ang lumalakas na ekonomiya ng Pilipinas. Ito'y ibinahagi nya sa isang presentasyon para humimok ng mga mamumuhunang Tsino na magbukas ng negosyo sa Pilipinas.
Ayon kay Dir. Miralles kabilang sa mga batayan ay ang paglakas ng Philippine Stock Exchange na lumagpas ang local stock barometer ngayong taon, malaking perang padala ng mga OFWs at ang lumalagong sector ng BPO na siyang nagbibigay trabaho sa higit 600,000 Pilipino.
Kinapanayam ni Machelle Ramos si Ginoong Hon. Dennis R. Miralles, Philippine Trade and Industry Department (DTI)
Para sa mga bahay-kalakal na Tsino, isang magandang balita din ayon sa DTI Director, ang natamong mataas na ranking at credit rating ng Pilipinas mula sa World Economic Forum, World Bank at Transparency Inc.
Dagdag pa ni Dir. Miralles malaki ang naitulong ng maayos na pangongolekta ng buwis at bayad adwana sa magandang lagay ng ekonomiya.
Para sa taong 2012, nais pagtuunan ng DTI ang paghimok sa mga negosyanteng Tsino na maglagak ng puhunan sa imprastraktura.
Ang lahat ng ito, ayon kay Dir. Miralles ay bunga ng anti-corruption policy ni Pangulong Benigno Aquino III.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |