Bubuksan mamayang gabi sa Chengdu, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang ika-13 Western China International Fair.
Ang 6-araw na peryang ito ay may temang "pagpapalalim ng kooperasyong pandaigdig, at pagpapabilis ng pag-unlad ng kanlurang bahagi ng Tsina." Lalahok dito ang halos 4.6 libong eksibitor mula sa 56 na bansa at rehiyon ng daigdig.
Dadalo rin sa seremonya ng pagbubukas ng perya ang mga estadistang Tsino at dayuhan na kinabibilangan ni dating Pangulong Fidel Ramos ng Pilipinas.
Salin: Liu Kai