|
||||||||
|
||
Noong 2002, nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang Kasunduan ng Tsina at ASEAN hinggil sa framework agreement ng komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan, at komprehensibong sinimulan ang konstruksyon ng CAFTA. Ito ay nagdulot ng maraming pagkakataong komersyal para sa mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN. Noong 2010, na itinatag ang CAFTA. Ang mga patakarang tulad ng pagbabawas ng taripa ng kalakalan ay nagduot ng aktuwal na benepisyo para sa pamumuhunan, kabuhayan at kalakalan sa loob ng rehiyong ito.
Sapul nang maitatag ang CAFTA, sa isang banda, ang mga paninda mula sa mga bansang ASEAN ay kinikilala na sa pamilihang Tsino; at sa kabilang banda naman, napapanatili ng mga niluluwas na panindang Tsino ang matatag na paglaki sa pamilihan ng ASEAN. Ipinahayag ni Zhao Xijun, Puno ng Guangxi Beibu Gulf Bank, na ang CAFTA ay nagpapasulong ng proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at pambihirang ito sa ilalim ng kasalukuyang pangkabuhayan kalagayang pandaigdig.
Sa magkasamang pagsisikap ng Tsina at ASEAN, noong nakaraang taon, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa 362.85 bilyong dolyares. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay naging unang pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at sa halip ng Hapon, ang ASEAN ay naging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Sa seremoniya ng pagbubukas ng ika-9 na CAExpo, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangalawang Pangulo ng Tsina na umaasa siyang patuloy na isasakatuparan at pabubutihin ng Tsina at ASEAN ang iba't ibang kasunduan ng CAFTA, at sa taong 2015, isasakatuparan ayon sa itinakdang iskedyuel ang target na ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig ay aabot sa 500 bilyong dolyares. At ang mga pamahalaan ng iba't ibang bansang ASEAN ay positibo sa pahayag ni Xi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |