Nagpalabas kahapon ng pahayag ang tagapangulo ng United Nations Security Council o UNSC ng bilang pagtanggap sa walang tigil na pagpapalakas ng UN at Arab League o AL ng kooperasyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Anito, isasagawa ang hakbangin para patuloy na mapalakas ang ganitong kooperasyon.
Idinaos nang araw rin iyon ang pulong sa mataas na antas ng UNSC hinggil sa kalagayan ng Gitnang Silangan. Sinabi ng naturang pahayag na sa mga isyung may kinalaman sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan, ang pakikipagtulungan sa mga organisasyong rehiyonal at sub-rehiyonal ay magpapataas ng pangkalahatang kaligtasan. Inulit din ng UNSC na nakatutok ang pansin nito sa pagsasakatuparan ng makatarungan, pangmatagalan at komprehensibong kapayapaan ng Gitnang Silangan, at paghahanap ng komprehensibong kalutasan sa sagupaan ng AL at Israel.
Salin: Vera