"Dapat obdiyektibong pakitunguhan ng Estados Unidos(E.U.) ang pag-unlad ng Tsina, at tumpak na hawakan ang relasyong Sino-Amerikano. Ito ay makakabuti sa pundamental na interes ng Amerika." Ito ang ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa mga pananalita kamakailan ni Mitt Romney, kandidato sa pagkapangulo ng Partido Republikano.
Sinabi ni Hong na dapat suspindehin ng panig Amerikano ang mga walang- batayang pagbatikos laban sa Tsina. Aniya pa, dapat itong gumawa ng mga bagay-bagay na makakabuti sa pagpapasulong ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng dalawang bansa.