"Sinamsam ng Hapon sa Tsina ang Diaoyu Islands." Ito ang ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang pagtutol sa pahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Koichiro Genba ng Hapon hinggil sa umano'y walang-batayan ang soberanya ng Tsina sa Diaoyu Islands.
Sinabi ni Hong na umabot na sa kaalaman ng Tsina ang pahayag kamakailan ng panig Hapones na gusto nitong malutas ang kasalukuyang krisis na dulot ng Diaoyu Islands issue. Aniya, umaasa ang Tsina na mapangangalagaan ng Hapon ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng mabisang paggawa.