Nagbigay-galang kahapon sa Yasukuni Shrine si Shinzo Abe, Presidente ng Liberal Democratic Party ng Hapon. Ngayong araw, nagbigay-galang din dito ang dalawa pang miyembro ng gabinete. Kaugnay nito, ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Yasukuni Shrine ay may kinalaman sa tumpak na pakikitungo ng Hapon sa kasaysayan, at paggalang sa damdamin ng mga apektadong mamamayang Asyano. Dapat sundin aniya ng Hapon ang solemnang pahayag at pangako nito sa isyung pangkasaysayan, at maging responsable sa komunidad ng daigdig.
Salin: Vera