Sa pamamagitan ng dalawang round na botohan sa ika-67 Pangkalahatang Asemblea ng UN, nihalal kahapon ang Rwanda, Argentina, Australia, Timog Korea at Luxemburg bilang 5 di-pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council mula 2013 hanggang 2014.
Hahalinhan ng naturang 5 bansa ang Columbia, Alemanya, Indya, Portugal, at Timog Aprika mula unang araw ng 2013. Tatagal ang kanilang termino nang 2 taon, hanggang sa katapusan ng 2014. Sa kasalukuyan, mayroon din iba pang 5 di-pirmihang kasaping bansa, ang kanilang termino ay mula noong 2011 hanggang sa katapusan ng 2013. Ang mga ito ay Azerbaijan, Guatemala, Morocco, Pakistan, at Togo.
salin:wle