Sinabi kahapon ni Tapagsalita George Little ng Kagawaran ng Tanggulan ng Estados Unidos na nakahanda ang Pentagon na isaalang-alang ang kahilingan ng panig Thai hinggil sa pag-aanyaya sa Myanmar para manood ng "Cobra Gold" joint military exercises sa susunod na taon.
Ani Little, sa kasalukuyan, nakikipagsanggunian na ang panig Thai sa panig Amerikano tungkol dito. Kung ipapadala ang paanyaya, posibleng anyayahan ng panig Thai ang di-lampas sa tatlong opisyal na military ng Myanmar para manood ng mga pagsasanay sa humanitarian relief, relief work at serbisyo ng doktor na militar.
Salin: Vera