|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Ministro ng Impormasyon ng Kambodya, na binabalak ng kanyang pamahalaan na magtayo ng isang istatuwa ni yumaong Haring Norodom Sihanouk bilang paggunita sa kanyang namumukod na ambag sa bansa.
Sinabi ng naturang ministro na kahit yumao na si Sihanouk, siya ay itinuturing pa ring palatandaan at ama ng bansa. Pero hindi pa aniya natitiyak ng pamahalaan ang oras, lokasyon at badyet ng pagtatayo ng ganitong istatuwa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |