|
||||||||
|
||
Pagkaraang magbigay-galang sa Yasukuni Shrine si Presidente Shinzo Abe ng Liberal Democratic Party ng Hapon noong ika-17 ng buwang ito, magkakasunod na nagpahayag ng pagkabahala ang mga media sa pagsasabing ang aksyong ito ay ibayo pang makakapinsala sa relasyon ng Hapon at mga kapitbansa nito sa Asya.
Ayon sa ulat ng Reuters at Kyodo News Agency, sa kasalukuyang maigting na kalagayan ng relasyong Sino-Hapones na dulot ng alitan sa Diaoyu Islands, ang naturang aksyon ni Shinzo Abe ay lalo lamang ikagagalit ng Tsina, at muling makakapukaw ng ostilong damdamin ng mga mamamayan ng mga kapitbansa na gaya ng Tsina, Timog Korea at Hilagang Kroea.
Sinabi naman ng ulat ng pahayagang "Munhwa Il-bo" ng Timog Korea na ang pagbibigay-galang ng mga personaheng pulitikal ng Hapon sa Yasukuni Shrine ay muling magpapasidhi sa maigting na kalagayan ng Hilagang Silangang Asya. Posibleng palawakin ng aksyong ito ang kasalukuyang alitang pang-teritoryo ng Hapon sa Tsina at Timog Korea sa isyung pangkasaysayan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |