Sinabi kahapon sa Moscow ni Igor Korotchenko, Direktor ng Center for Analysis of Global Arms Trade ng Rusya, na posibleng bumili sa malapit na hinaharap ang Iran ng pasilidad na militar at sandata na nagkakahalaga ng 11 bilyon hanggang 13 bilyon dolyares mula sa Rusya.
Sinabi pa niyang ang kapasiyahan ng United Nations Security Council hinggil sa pagpapataw ng sangsyon sa Iran ay pinagtibay sa ilalim ng napakalaking presyur ng Amerika. Kabilang sa mga tadhana ng sangsyon, walang limitasyon sa pagluluwas ng mga sandatang pandepensa sa Iran, at kinikilala ito ng Kagawaran ng Tanggulan ng Amerika.
Salin:Vera