Ipinahayag kahapon ng Pentagon ng Estados Unidos (E.U.) na patuloy na palalakasin ng E.U. at Timog Korea ang deterrent force ng kanilang alyansa, at hindi nila pahihintulutan ang anumang probokasyong military.
Napag-alamang idinaos kahapon ng mga opisyal ng E.U. at T.Korea ang ika-36 na Military Committee Meeting. Nagsagawa ang dalawang panig ng pagtaya sa mga bagay na may kinalaman sa Hilagang Korea. Ipinalalagay ng dalawang panig na dapat patuloy na paunlarin ang alyansa para maigarantiya ang kaligtasan ng T. Korea, lalung lalo na, sa situwasyon kung saan lumitaw ang bagong hamong panseguridad sa Korean Peninsula.
Salin: Andrea