|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati kamakailan, binigyang-diin ni Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia ang kahalagahan ng konstruksyon ng imprastruktura.
Tinukoy ni Yodhoyono na upang maisakatuparan ang blueprint ng konstruksyong pangkabuhayan at katigan ang target ng pag-unlad ng rehiyong ito, maging ng buong mundo, itinakda ng kanyang pamahalaan ang pangkalahatang plano sa pagpapabilis at pagpapalawak ng konstruksyon ng pambansang kabuhayan. Kasabay nito, aktibo ring nakikisangkot ang Indonesia sa pakikipag-ugnayan sa ASEAN para gumawa ng ambag sa pagtatatag ng ASEAN Community sa taong 2015.
Dagdag pa niya, ang pokus ng pagpapabilis at pagpapalawak ng konstruksyon ng pambansang kabuhayan ay inilagay sa konstruksyon ng imprastruktura na kinabibilangan ng puwerto, lansangan, adwana, logistics, transportasyon at iba pa.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |