|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan ng parliamento ng Laos ang espesyal na pulong kung saan pinagtibay ang plano ng proyekto ng daambakal sa pagitan ng Tsina, Boten at Vientiane. Sisimulan ang konstruksyon ng proyektong ito sa malapit na hinaharap.
Ipinahayag sa pulong ni Somsavat Lengsavat, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, na ang proyektong ito ay lilikha ng napakalaking pakinabang para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng kanyang bansa.
Dagdag pa niya, ilalaan ang 7 bilyong dolyares sa naturang proyekto. Ipagkakaloob ng EXIM Bank ng Tsina ang naturang halaga at maaring bayaran sa loob ng 30 taon. Mamamahala din aniya ang panig Tsino sa konstruksyong ito.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |