Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ipinalabas ang White Paper sa patakaran sa enerhiya sa 2012

(GMT+08:00) 2012-10-25 17:15:23       CRI

Ipinalabas kahapon ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang White Paper sa patakaran sa enerhiya ng Tsina sa taong 2012. Ito ang ikalawang pagkakataon na nagpalabas ang Tsina ng dokumento sa enerhiya sa ngalan ng bansa.

Anang White Paper, patuloy na igigiit ng Tsina ang sustenableng pag-unlad ng enerhiya, ibayo pang palalakasin ang kooperasyong pandaigdig, at pagkontrol sa matinding gastos at malaking bolyum sa enerhiya. Binigyan-diin ng White Paper na "sa nakaraan man o sa hinaharap, ang Tsina ay hindi banta sa kaligtasan ng enerhiya sa buong daigdig." Nabanggit din sa White Paper ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, inobasyon sa teknolohiya, at pangangalaga sa kapaligiran.

Ipinahayag ni Ginang Shi Dan, isang dalubhasa ng Chinese Academy of Social Sciences o CASS, na ang naturang white paper ay nagsasalaysay sa kalagayan ng enerhiya at pagbabago ng patakarang pang-enerhiya ng Tsina. Aniya pa, ito rin ay naglalayong bawasan ang pagdududa at pagkabahala ng iba pang bansa sa mabilis na paglaki ng pangangailangang pang-enerhiya ng Tsina.

Sinabi niyang patuloy na igigiit ng Tsina ang nukleong ideya ng White Paper sa patakaran sa enerhiya noong 2007-unahin ang pagtitipid sa enerhiya. Dagdag pa ni Shi, mas mayaman ang mga hakbangin, at isasaalang-alang nang mas mabuti ang sustenableng pag-unlad ng pamumuhay ng mga mamamayan, lipunan, at kabuhayan.

Anang White Paper, sa hinaharap, nasa yugto ng mabilis na pag-unlad pa rin ang pagsasaindustrya at pagsasalunsod ng Tsina at patuloy na lalaki ang pangangailangang pang-enerhiya.

Ipinahayag naman ng White Paper na igigiit ng Tsina ang pagbubukas sa labas, at patuloy na pabubutihin ang kapaligiran ng pamumuhunang dayuhan. Hinimok ng Tsina na lutasin ang mga pandaigdigang isyung pang-enerhiya sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, sa halip ng pamumulitika at karahasan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>