Ayon sa "White Paper ng Patakaran sa Enerhiya ng Tsina sa Taong 2012" na ipinalabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina kahapon, pag-iibayuhin ng bansa ang regular na paggagalugad sa yamang langis at natural gas, at pasusulungin ang ganitong paggagalugad sa dagat. Ipinalalagay ng dalubhasa na ang pagpapabilis ng Tsina ng hakbang ng paggagalugad ng langis at natural gas sa mga rehiyong pandagat na gaya ng South China Sea ay hindi lamang makakatugon sa pangangailangan sa enerhiya, kundi makakapagpalakas din ng pagkontrol nito sa soberanya.
Iniharap din ng white paper na dapat palakasin ang konstruksyon ng instalasyon ng reserba at transportasyon ng enerhiya, at balakin ang konstruksyon ng tsanel ng paghahatid ng enerhiya batay sa pagsasaalang-alang sa iba't ibang elemento na gaya ng pamilihan, pagsasaayos ng estruktura ng industrya, kakayahan sa pag-aangkat ng enerhiya, kapaligirang ekolohikal at iba pa.
Salin: Vera