Sinabi ng panig militar ng Pilipinas na naganap kahapon ng umaga sa purok na bulubundukin ng Sulu ang mainit na labanan sa pagitan ng tropang pampamahalaan at Abu Sayyaf Group. 5 katao ang namatay sa labanan, at 10 iba pa ang nasugatan.
Ayon kay Lt. Col. Randolf Cabangbang, Tagapagsalita ng Western Mindanao Command, habang hinahanap ng mga miyembro ng marine corps ng hukbong pandagat ang kinidnap na hostage sa Patikul, nakipagpalitan sila ng putok sa ilang armadong tauhan ng Abu Sayyaf. 3 miyembro ng marine corps at 2 armadong tauhan ng Abu Sayyaf ang namatay, at 10 iba pa ang nasugatan. Hanggang alas-3 kahapon ng hapon, nagpatuloy pa rin ang labanan.
Salin: Vera