Bilang preparasyon sa summit ng Silangang Asya na idaraos sa Phnom Penh sa darating na Nobyembre ng kasalukuyang taon, idinaos kahapon sa Thailand ang di-pormal na high-level meeting ng Tsina at ASEAN. Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kalagayang panrehiyon, at relasyon ng Tsina at ASEAN. Positibo ang Tsina sa mahalagang papel ng ASEAN sa pagpapasulong ng koooperasyon ng Silangang Asya.
Nagkasundo ang mga kalahok na ang isyu ng pag-unlad ay magiging pangunahing paksa ng naturang summit. Anila, sa harap ng malubhang kalagayang pangkabuhayan, ang pagdaraos ng summit ay makakabuti hindi lamang sa pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon, kundi sa pagpapasulong din ng malusog at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon.
Nang mabanggit ang Declaration on the Conduct of Parties in The South China Sea(DOC), positibo ang mga kalahok sa pagpapalita ng Tsina at ASEAN sa isyu ng South China Sea. Anila, komprehensibong tutupdin ng mga may kinalamang panig ang naturang dokumento, para mapangalagaan ang kanilang komong interes sa rehiyong ito.