|
||||||||
|
||
"Ang Tsina ay matalik na kaibigan ng Myanmar, at hindi namin malilimutan ang tulong na ibinigay ng Tsina." Ito ang ipinahayag kamakailan sa media ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar. Sinabi niya na noong panahon na naghihirap ang Myanmar dahil sa pagpataw ng sangsyon ng mga bansang kanluranin, walang humpay na binibigyan ng tulong ng Tsina ang kanyang bansa.
Ayon sa estadistika, mula noong Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon, ang Tsina ay ang pinakamalaking trade partner ng Myanmar. Umabot sa higit-kumulang 3 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |