|
||||||||
|
||
Nagpalabas kahapon ng komentaryo ang Korean Central News Agency bilang pagbatikos sa pagbibigay-galang kamakailan ng ilang pulitikong Hapones sa Yasukuni Shrine. Ipinalalagay nitong ang kultura ng pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine ay "muling pagkabuhay ng pasista".
Anang komentaryo, idinadambana sa Yasukuni Shrine ang mga World War II class-A criminal na naglunsad ng digmaang mapanalakay laban sa mga bansang Asyano at ikinamatay ng di-mabilang na dami ng mamamayan. Ang pagbibigay-galang sa lugar na ito ay hindi isyu ng "tradisyonal na seremonya" lamang, sa halip, ito ay may kinalaman sa pakikitungo sa mga bansa at mamamayan na nasalanta dahil sa pananalakay ng Hapon.
Tinukoy rin ng komentaryo na sa kasalukuyan, nagiging plataporma ng pagpapalaganap ng mga right-winger ng muling pagkabuhay ng militarismo ang bansang Hapon. Parami nang paraming tao ang nagbigay-galang sa Yasukuni Shrine, bagay na nagpapakita ng pagkalat ng tunguhin ng ekstrimistikong militarismo sa buong lipunan ng Hapon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |