Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang isyu ng seguridad sa internet ay komong hamon na kinakaharap ng iba' ibang bansa. Ang Tsina ay isa sa pangunahing nabiktimang bansa ng hacking. Nakahanda ang Tsina na magsagawa ng positibo at aktuwal na pakikipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig para magkasamang mapangalagaan ang seguridad sa internet.
Ayon pa sa ulat, sinabi ng ilang organo ng impormasyon ng E.U. na kinakaharap ang panganib sa internet ng mga bahay-kalakal ng E.U. na mayroong pakikipagpalitang pangkalakalan sa Tsina. At sinabi ng komentaryo ng Think Bank ng E.U. na ang Tsina ay nagtatangka na nakawin ang lihim ng komersyo ng E.U.. Hinggil dito, ipinahayag ni Hong na walang imbestigasyon at ebidensya at ag bintang na ito ay walang batayan at iresponsable.
Salin:Sarah