|
||||||||
|
||
Nagtipun-tipon kahapon ng umaga sa lumang kinaroonan ng Embahada ng Estados Unidos sa Iran ang maraming mamamayang Iranyo bilang demonstrasyon laban sa Amerika at paggunita sa ika-33 anibersaryo ng pagkaganap ng insidente ng pagsakop ng mga estudyenteng Iranyo sa Embahadang Amerikano at pagpigil ng mga tauhan ng embahada.
Sa kanyang talumpati sa demonstrasyon, sinabi ni Mohammad-Reza Naqdi, Komander ng Basij Militia, na hindi yuyuko ang Iran sa presyur ng Amerika at ibang bansang kanluranin. Kung babaguhin ng Amerika ang patakaran nito sa Iran at tutugunin ang kahilingan ng Iran, saka lamang isasaalang-alang ng Iran ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko sa Amerika,
Nang araw ring iyon, idinaos ang mga katulad na demonstrasyon sa ibang pangunahing lunsod ng Iran.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |